Sunday, October 28, 2012

Bracelet


    Nanginginig na ang kanyang madungis na katawan sa gutom habang nakaupo sa isang bench sa plaza.  Pagkuwa’y binalingan nalang nya ang silver bracelet sa kanyang kanang braso para maibsan ang nararamdamang hilab ng tiyan, napangiti nalang si Lara.  Tulalangtulala sya sa paggunita ng mga araw kasama ang kasintahan.
    “Que pedÍr comida Filipino.”malambing na sabi ni Lara sa waiter nang umorder sya ng pagkain.  Kutis palang ay maaakit na ang sino mang lalaking masisilayan sya. Masasabi mong anak-mayan ang dalagang ito , ang kanyang kaputian ay koplementado sa kanyang malaanghel na mukha dagdag pa ang kanyang pagiging bihasa sa pagsasalita ng wikang Ingles at Español.
    Ilang minuto pagkatapos umorder ni Lara ay may lalaking naglakasloob na pumunta sa kanyang mesa.   “Gusto mo ba ng tsokolate?” kanyang alok sa dalaga.
    “Si, yo prifiero el chocolate.”  Sang-ayon nya kahit hindi pa nya kilala ang lalaking kumakausap sa kanya.  Habang iniinom nya ang tsokolateng binuhos sa kanyang baso nabighani siya nang makita ang binata. Gwapo, maskulado, maginoo at may taglay na kissable lips.  Pilit nyang tinatago ang kanyang paghanga, may delikadesa pa naman sya at hindi tulad ng ibang babaeng nagbibigay ng motibo.
    “Miss, trenta pesos po yung tsokolate.”sambit ng binata.
    Natigil ang kanyang pantasya at napahinto siya sa pag-inom, akala nya’y libre lang, kaya’t di nya napigilan ang kanyang mga labi, “Estupido!”
    “Ahh, Si señorita, kutsara, tinidor, de lata caldereta y condensada.” mapabirong sagot ng lalaki habang napakunot nuo, “Pasensya na po di ko po kayo maintindihan ehhh.”
    Tumahimik nalang si Lara, pero naglaho  na kaagad ang binata. Di nya napansin na parang bihis waiter nga pala ang lalaki, palibhasa kung ano ano ang tinitingnan.  Kumain nalang sya at umuwi, sayang talaga, type pa naman sana nya ang lalaki.  Madali rin namang nawaglit ang mga pangyayaring iyon sa kanyang isipan.
 Matapos ang ilang araw ay namasyal uli siyang mag-isa sa parke, napaupo sya sa bench at nililibang ang sarili sa panonood ng mga bulaklak at naglalabasang mga tao. 
    “Hi Miss!”
    Bigla nya ito narinig, at may napansin syang umupo sa kanyang tabi, napalingon sya at nashock sa nakita.  Ang lalaki sa restaurant, ang umalok sa kanya ng tsokolate at pinabayad sya.
    “Ako nga pala si Mack, ehh ikaw, anong pangalan mo magandang binibini?” ang mga mata nya’y tutok na tutok sa mukha ng dalaga lalong lalo na sa misteryosong style ng buhok nito, parang madre pa nga kung gumalaw.
    “Ahh ewan! I don’t talk to strangers.” pakunot ang noong sagot nya, pasuplasuplada ang dating.
    Kinulit ng kinulit ni Mack si Lara, di nya ito tinigilan kaya’t sinabi nalang ang pangalan.  Nagkausap ang dalawa tinitiis nalang ng lalaki ang pagkasuplada niya, O pag-ibig, pag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.  Hinatid nya ito pauwi, talagang malakas ang tama sa kanya tagos hanggang buto. 
    Bago paman makasilid ang dalaga sa bahay ay hinawakan sya ni Macky sa kamay at pinasuot sa kanya ang silver na bracelet.  Bakas sa kanyang mukha na sya’y tuwangtuwa, first time nyang makatanggap ng regalo mula sa isang lalaki.  Namula pa ang kanyang mukha sapagkat hinagkan ng lalaki ang kanyang kamay na di mabitawbitawan. 
Matapos nun ay napasandig si Larah sa likod ng pintuan, pinikit ang mga mata at napaisip-isip. Nag-alala sya kung makikita pa kaya nya ang lalaki kahit pinintasan nya ang ito.  Tinanong nya ang sarili, “Pag-ibig na nga ba ito?”
    Nagdaan ang mga araw na palaging nagkikita ang dalawa sa parke.  Ang Suplada at Pakipot effect ay naglaho, hindi napigilan ni Lara ang kayang nararamdaman naging mabuting magkaibigan sila at kalaunan ay nagkamaigihan hanggang nag-ibigan.  Ang kanyang pinapantasyang lalaki ay pag-aari na nya sa wakas.   Sadyang kay bilis ng mga desisyon.
Ang relasyong ito ay lingid sa kaalaman ng mga magulang ni Lara.  Napaisipisip syang sabihin ito sa kanyang ina.  Habang nanonood sila ng telebisyon naglakas loob sya.
“Nay?Pwede na po ba akong magkanobyo?”
Nagsampukan ang kilay ng ina, “Ano? ke bata bata mo pa yan na agad ang iniisip mo!  Tandaan mo bente anyos taong ka na nga pero wala kang alam sa buhay, ni hindi ka nga marunong maglaba ng salawal mo. Wala kang alam.   At paano kung magka nobyo ka nga, tapos maghoholding hands kayo, pagkatapos magiging sweet na sweet, magkakurutan, maghaharutan, maglalaro sa madilim na lugar pagkatapos ano? Sasabihin mong ayaw mo? Huwag! ganyanyan? Pagkatapos madedesgrasya ka? Pagkatapos…”
“Over!” hirit nya sa walang tigil na pagpuputakti ng ina.
 “Ay anak! Kung hinihingi mo ang sagot ko, it’s definitely a NO!”
“Ahhh… Okey.” Pagkatapos noon ay nanatili syang walang kibo, inisip nya ang mga maaaring mangyari kung malalaman ng ina ang kanyang sekreto.  Dahil sa mahal nya ang kanyang magulang ay napaisip siyang hiwalayan si Macky, bigla namang kumirot ang kanyang dibdib, tila ayaw ng kanyang puso na sayangangin ang mga tamis ng unang pag-ibig.
Pero paano ang kanyang ina? Ayaw nya itong madismaya sa kanya, sila lang kasi ang magkasama sa buhay, wala syang ama.  Bata palang ay wala na syang nakitang tatay.  Inanakan lang kasi, nagkasala at si Lara ang nagging bunga.  Alam ni Lara ang masakit na dinanas ng ina, pero iniisip din nyang hindi lahat ng lalaki ay tulad ng tatay nya, mayroon rin namang mga seryoso at hindi mapagsamantala, malaki ang tiwala nya kay Macky, wala naman sa itsura nya na sya’y manloloko.
Kinaumagahan ay pumunta sya kaagad sa parke.  Pagkakita palang ni Macky sa kanya, tumakbo na agad ito at pinulupot ang dalaga sa kanyang mga braso na parang wala nang bukas na darating.  Sinubukan ni Lara na makawala sa higpit ng pagkayakap sa kanya ngunit hindi nya ito makaya kaya’t pinabayaan nalang, sa halip na magpumiglas ay ninamnam nalang nya ang init na nararamdam.
Ang lahat ng mata ng mga lumalabas ay nasa kanila, paano ba naman ay PDA, Public Display of Affection.  Di pinapansin ng dalawa ang mga pangyayari sa palibot
Sa di inaasahang panahon,
“Lara! Ikaw na bata ka!” bulalas ng ina.  Hindi nya alintana ang hiya sa mga tao sa lugar, hiniwalay nya ang binata at kinaladkad nya ang anak, walang ginawa ang lalaki kundi ang bumitaw.  Patuloy ang pagmumusa ng ina sa kanyang anak na luhang luha papunta sa kanilang bahay. 
“Nay? Ano bang ginawa kong masama?” napahagulhol na tanong ni Lara, “Masama ba ang umibig?”
“Malandi! Nobyo mo ba ang lalaking yun?” hiyaw ng ina.  Ngayon lang sya naging ganito ka galit sa kanyang buhay.
“Ay Hindi! Hindi talaga! ” Ironically speaking.  “Mahal ko po si Macky!” dagdag nya.
“Mahal? Anong nalalaman mo sa pag-ibig? Sa lahat ng lalaki bakit sya pa? Ha! Leche!!” sabay sampal sa nakakaawang anak. 
Sa sakit ng kanyang dibdib ay lumayas si Lara.  Umalis sya sa bahay ng walang bitbit na kahit ano, naglakadlakad lang sya at di nya namalayang sa parke na pala sya nakaabot.  Umupo sya sa bench, nag-iisa, dun sya nagpatuloy na humagulhol.  Ang kanyang mga mata at luha ay maaninag parin kahit may kadiliman na, masakit talaga ang kanyang loob sa ina lalo pa at hanggang sa panahong iyon ay ramdam na ramdam parin nya ang lumagapak na sakit ng sampal.  Ilang oras na ang nakalipas at ganun parin ang kanyang sitwasyon.
Dahil malapit lang naman ang bahay ni Macky, nabalitaan nyang ang kanyang sinisinta ay naroon kaya’t kumaripas ito kaagad.  Di kalaunan ay nandoon na siya, nakita nya ang kaawa-awang nobya, nanginginig na sa kakaiyak.  Pinuntahan nya ito at inakap.
Ang ulo ni Lara ay nakasandig na sa dibdib ng lalaki habang akapakap nya ito.  Di parin sya makamove-on sa nangyari, ni di na nga nya naalintana na si Macky ang kanyang katabi basta ba’y niyakap nalang nya ito kanina, siguro’y wala lang sya sa katinuan.  Inuwi ng lalaki si Lara, ayaw naman nya itong iwan dun sa parke at baka maraming mga masasamang loob ang gumawa ng masama sa kanya.
Parang tuta nalang si Lara na sumusunod kay Macky, umupo sya habang tumutingin sa kawalan, tulalangtulala siya at din a alintana ang mga pangyayari.  Muli ay tinabihan siya ng binata, inakap ito ng mahigpit hanggang sya ay napahiga na sa kanyang inuupuang kama.  Kalaunan ay nahimasmasan siya nang may naramdamang kakaiba, pililt siyang pumipiglas ngunit walalang laban ang kanyang lakas sa kanyang naramdamang panginginig.  Ang mga naglalarong kamay sa kanya ay din a nya napuna dahil sa maghalong sensasyon at sakit na kanyang nararamdaman. Gusto nyang sumigaw. Pero may nakalapat na sa mga labi nya nang nakahangos na biglabigla’y napaungol nalang sya.
Kinaumagahan.Balisangbalisa.Nag-iisa.Bumangon sya.Inayos ang sarili.  Kumaripas paplabas ng bahay at walang direksyon kung saan papunta.  Muli ay napatulo ang kang luha habang tumatakbo, inabot na naman nya ang parke at umupo sa bench, ramdam pa nya ang pananakit ng katawan, sising sisi sya sa mga nangyari, di nya iyon inaasahan.  Di na nya maintindihan ang nararamdaman, pinaghalong galit, pasakit, pagsisisi, etc. etc.
Nakita sya ng ina. “Anak?Saan ka ba nagpunta? Alalang-alala ako sa iyo.  Niyakap nya ito.”
Medyo humupa na ang kanyang pag-iyak, “Nay, Patawad po.”
Niyakap lang siya ng mas mahigpit pa, matahimik ang mga sumunod na minuto hanggang gumawa ng rebelasyon ang kanyang ina.
“Anak, patawarin mo rin ako, ayaw ko lang na masira ang buhay mo, dahil sa lalaking yun, mabuti at ay hindi pa kayo nagmahalan ng napakalalim.  Patawad at di ko agad nasabi sayo, mainit talaga ang dugo ko sa kanya, nak? Kapatid mo sya sa tatay mo.”
SHE SCREAMED…
Bumalikwas sya at tinuldukan ang kanyang pantasya, at ang gutom na kanyang naramdaman kanina pa ay nawala narin. Ang lahat ng tao ay diring diri sa pagtingin sa kanya pero Keberrr nya! Tumayo sya sa bench, di na nya namalayang nahulog na ang kanyang silver bracelet, umikot-ikot pa sya sa plaza habang nakatingin sa malayo.
“Mi corazon! Mi amor! Macky!” sigaw nya sa kawalan at biglabigla’y inumpisahan nalang nyang mamulot ng mga basura.

1 comment: